Commentaries, today's issues and the lighter side stories straight from the unknown spotter.
Sunday, October 2, 2011
Harana, uso pa ba?
Kung may nililigawan ka na isang babae o di kaya gusto kang patawarin ng kasintahan o kasing-irog mo, usually ay dinadaan yan sa isang HARANA. Pero… Noon yon… Ngunit sa panahon ngayon, ang panliligaw ay dinadaan na lang sa patext-text at pachat-chat pagdating sa ligawan.
Harana ang isa sa mga Pilipinong tradisyon ng panliligaw na kung saang kalimitan pang nakadungaw ang babae sa bintana habang kinakantahan ng binata nangliligaw. Ang malungkot lang dito ay medyo nasintunado na sa panahon ngayon at sa mga litrato at palabas na lang natin to napapanood. Pero alam mo ba na may mga lugar pa rin sa Pilipinas na pinapahalagaan ang kultura na to? Isa sa mga halimbawa ay sa Samar at sa Marinduque na talagang pinapahalagaan pa rin ang tradisyon na ito. Marahil eh marami ang magsasabi sa akin na gasgas na ang harana. This what makes us also truely Filipino because masarap lumabas sa gabi, kasama ang mga kaibigan mo at pinapahalaan mo rin na mahal mo ang isang babae at handa mong ibigay ang lahat para sa dilag na syang iniirog mo.
Tunay nga naman nagbago na ang panahon, pati na rin istilo ng manunuyo at panliligaw. Pero sana naman ay panatilihin pa rin natin ang mga lumang tradisyon pero ibagay rin sa makabagong panahon.
Labels:
Harana,
Philippine Traditions,
Tradisyong Pilipino
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment